January 16 AM-PM SKED
Kung ako lang ang papipiliin, mas gusto
kong manatili na lang sa isang third world country kung saan ako natuto at naging tao.
mahirap yung biglang papasok ka sa
isang bagong mundo na halos lahat ng
bagay sa buhay mo pilit na mababago. nakakabaliw.
nakakaubos ng pasensya na parang lahat ng mangungupal
sayo ay gusto mong sapakin. unli. parang yung ginawa ni
Bruce Willis na pananapak sa pelikulang Sin City. solid to
liquid. punong puno ng aksyon. punong puno ng galit. unti unti
kang pinapatay mula sa kaloob-looban ng bawat kalamnan.
pati kaluluwa mo'y lumuluhod na para lang magmakaawa.
brutal. mahihiya ang gumawa ng movie series na Saw.
napakahirap i-angkop ang sarili mong
matagal nang buo sa panibagong sistemang gagalawan mo. para kang lego na
kakalasin at bubuuin muli para maging robot na aso. sasabay sa kumpas
ng bagong sistema. mapapalitan ang tagpi ng doggie. mapapalitan ang
aw-aw ng arf-arf.
sit, roll over, play dead.
pero ano nga bang magpapanatili sayo para
mag-fetch at magwagayway ng buntot? anong baterya ang magpapatakbo sa
natitigang mong enerhiya? anong pipigil sayo para humiga na lamang at
huminto sa paghinga?
bakit nga ba tayo nadadapa?
upang bigyang kahulugan ang sarilang
tingala. bangon. pagasa. upang magkakalyo at maukit ng mga sugat ang mga
aral sa ating mga palad. malas mo lang kung napuruhan ka sa mukha. pero
anu bang silbi ng pagsubok kung hindi ka lalaban di ba?
putangina mong pagsubok ka! pakshet ka! die! burn in hell!
shit happens, pare. pero minsan talaga,
sa landas ng buhay, makakatapak ka ng tae. walang simbolism yun,
pampahaba lang ng blog entry. pero kung makatapak ka nga, ikaskas mo na
lang sa lupa.
Pagibig. ang gasolinang nagpapatakbo sa
damdamin ng bawat tao. pagibig. maging sa Diyos, sa sarili, sa pamilya,
sa kapatid, o kay Rob Pattinson, pagibig ang magpapanatiling buhay sa
mga pangarap mo. pagibig ang nagbibigay lakas. pagibig ang nagbibigay
pagasa. parang Gatorade with advanced electrolyte system, it keeps you going.
At KAhit Ano pa ang SABIHIN mo, ITUTULOY KO ANG SWA
hindi ako madaling sumuko. hindi ako madaling mapagod. marami akong gatorade sa ref.is it in you?