Anung hiwaga ba meron ang pagibig? kelan pa nagkaron ng puso sa eyeballs? kakakita mo palang, mahal mo na?

March 6 am-Pm SkeD
Akala ko dati kabalintunaan ang ma-inlab sa unang pagkikita. para sa akin mga highschool girls at mga bakla lang ang naniniwala sa love at first sight. maging ang isang tulad kong kupaloid ay pwede rin palang mapana ni fucking kupido sa isang iglap. packing sheet. di ko akalain. parang normal na araw lang tapos umutot lang ako saglit, inlab na ako.

ganun kabilis. kasing bilis ng paglakad ng taong naiiihi.anung hiwaga ba meron ang pagibig? kelan pa nagkaron ng puso sa eyeballs? kakakita mo palang, mahal mo na? ang natatandaan ko kasi noong elementary, ang love parang picture - nadedevelop. anu ngayon itong nararamdaman ko? polaroid? para sa aking kasi ang pagibig ay hindi isang saglitang proseso. maraming pagdadaanang hirap, saya at sarap (mehganon?) bago mo masabing umiibig ka.

mahabang proseso. para kang kumukuha ng birth certificate sa NSO. di malaman kung bakit sa di maipaliwanag na dahilan ng siyensya at lohika ay tumibok ang puso ko at umibig sa unang pagkakataong nakita si . this is it. mahal ko talaga sya. at bago ka magsalita dyan, oo, alam ko ang pagkakaiba-iba ng love,infatuation, at libog.may mga bagay talaga na sadyang di maipaliwanag. weird pero nagbibigay sa atin ang mga ito ng kakaibang ligaya.

di ko alam kung bakit masarap kumain ng chocolate habang tumatae. hindi ko alam kung bakit enjoy na enjoy manood ang mga batang babae ng hannah montana kahit alam naman nilang si hannah at miley ay iisa. hindi ko rin alam kung bakit may mga masokistang nagtatagisan ng tibay ng balat, dila, ngipin, atay, balunbalunan, pancreas at betlog para makapasok lang sa Pinoy Records. di maipaliwanag na ligaya. tulad ng ligayang naglalaro sa aking tiyan habang kasama ko si .nagkamali ako.

pero di ba minsan, masarap din magkamali?

at sa pagkakataong ito, isa itong pagkakamaling di ko pagsisisihan.
Share
 
 ________________________________________________________________________________________________________
Gusto mo ba mag share, mag post at mag like ng mga Ganitong Kwento?At Kumita habang Nasa wall mo sa Facebook ang mga Kwento There's a Platform Called ' FBREWARD'  you will Earn while Promoting Good Stories, Funny Pics , Inspirational Quotes  and informational Topics.Read Here How you can earn 20.00 per likes in Facebook

_______________________________________________________________________________________________________ 
 

Popular posts from this blog

MGA PANG ASAR at PAM BASAG SA TRIP COLLECTIONS

SIKRETO KUNG PAANO KUMITA sa NETWORKING NG WALANG INVITE INVITE! FINNALY REVEALED!!