Mga Uri NG LALAKI

 April 20 am-pm sked
Mga Uri naman Ng BABAE
  • Mahinhin ngunit nasa loob ang kulo - Akala mo anghel, conservative kuno, pero kapag hindi mo pala kasama, humaharurot. 
  • Madikit sa boys - Dalawang bagay lang naman ang madalas naiisip ng mga tao kapag nakakakita sila ng babaeng madikit sa mga lalaki, pwedeng ‘tomboy’ o ‘malandi’ lang talaga. Bawal maging friends? Pero syempre, depende naman sa mga lalaking dinidikitan, e mamaya mukhang mga adik, e medyo iba na yun. 
  • Eye-catcher at head-turner - Ang mga babaeng magaganda talaga. Pero, ang kadalasang nakakakuha ng atensyon, e yung mga babaeng labas ang legs at kumakaway ang boobs. 
  • Pa-tweetums/Pa-sweet - Yung mga may pa hard-to-get effect. Mahiyain at mahihin kunwari. 
  • Sweet - Kung akala niyo lalaki lang ang madalas nagiging malambing, may mga babae ring sobrang manlambing. Yun bang mararamdaman mong kayo pero hindi kayo dahil sa sobrang sweet niya, yun bang iisipin mong may pag-asa maging kayo dahil sa mga pinapakita niya. 
  • Landi dito, landi doon - Sila naman yung hindi mo mawari kung sino ba talaga ang gusto. Kapag andyan ka, sa’yo siya, kapag wala ka, dun siya. Hay nako, nene. 
  • Pera at load lang ang habol - Oo, merong ganyang klase ng babae. Na pasimpleng sasabihing, ‘Ui, bhe, paload naman.’ ‘Bhe, libre mo ako’. Yun pala may iba rin kinakalantari. 
  • Mapagmahal - Kailangan ko pa bang ipaliwanag?
  • Sobra sobra kung magmahal kaya sobra sobra rin kung masaktan - Mga babaeng lahat ibinibigay para lang mailigtas ang relasyon. Hindi na masyadong naiisip ang sarili. 
  • Takot sa commitment - Edi yung mga taong alam ang totoong kahulugan ng commitment. 
  • Easy to get - Edi yung, isang text lang ng ‘iloveyou’ sa kanya, isang ‘pwede bang manligaw?’ sagot, oo tayo na. Hapit ka ‘teh?
  • Mga babaeng handang ibigay ang katawan - Wala akong maisip na tawag e, sorry na. Merong mga babaeng ganyan, na sa sobrang pagmamahal nila dun sa lalaki, ultimo ang dignidad nila ibibigay nila. Pero dapat hindi, lalo na kung bata pa masyado, kasi hindi mo alam kung pag nagbunga ba ang lahat, yung boypren mo e hindi ka tatakbuhan o kung paninindigan man, may ipapakain ba? Yung iba ipinapalaglag, walang kinalaman ang bata siya pa yung mawawala, diba? Kaya, usong mag-isip ng mabuti. 
  • Nangangati - Ito naman yung mga babaeng akala mo bukas end of the world na kaya grabe kung manlalaki. Kating kating magka-boyfriend.
  • Ayaw bumitaw - Yung mga babaeng ayaw iwanan ang taong mahal. Na dumarating na sa point na masyado ng nadudungisan ang pagkababae niya. Aminin natin, hindi magandang tingnan kapag babae ang naghahabol sa lalaki. 
  • Mahilig magmaganda - Paki-lugar ang arte, utang na loob.
Share

Popular posts from this blog

Mga Pang ASar na Reaksyon sa Facebook PART 2