“Ang binata kasi ay sa ibang bansa na maninirahan, pinili niya ang pinakamagaganda niyang laruang-sasakyan upang dalhin sa ibang bayan. At akong hindi napili, heto, napunta sa isang basurahan.” “Iyan ang isang pinakamasaklap na mangyari sa isang laruan, ang hindi man lang mahawakan ng isang bata,” nanghihinayang na nasabi ni Robot. Sumunod na araw, isang dalaga ang naglagay ng isang laruang oso sa kahon. “Maligayang pagdating sa iyo, laruang oso,” sabay-sabay na bati nina Manika, Robot, Kotse-kotsehan at Kahon. “Uy, marami na pala kayo dito, salamat naman at hindi na ako mag-iisa,” wika ng kadarating na kulay rosas na laruan. “Apat pa lang naman kaming nagkukuwentuhan, ikaw ba, pwede ka bang kahuntahan?” sambit ni Kahon. “Aba’y oo naman, ganito ang aking karanasan. Ako’y isang laruang nagsilbing kaibigan. Isang dalagita ang sa akin ay bumili at mga sikreto niya’y sa akin lang sinasabi. Nakakatuwa naman at ako’y kanyang inalagaan. Ilang taon din kaming naging magkakwentuhan, pe...