Alitaptap at Gitara (Version 2.0)

April 10 am-pm sked
Nakasandal ka sa aking bisig
habang pinagmamasdan natin ang papalubog na araw sa dalampasigan ng ating dagat
mula dito. pakiramdam natin ang mundo ay hindi magbabago
atin ang sandali. walang umaaagaw. walang pangamba
sa ating mapusok na isipan. nangako tayong 

dalawa na hinding hindi magkakahiwalay

Natatandaan ko pa. lagi tayong nag sasabihan ng sikreto
sabi mo, pangarap mong makarating sa malayong lugar na yaon
siyudad na may maraming ilaw at palara.mga makintab na gusali
at magagarang mga bangketa.

Tahimik lang ako. habang pinagmamasdan kitang humabi ng mga pangarap
hinahayaan kong tangayin ng hangin ang iyong makintab na buhok,
gawi sa aking pisngi. hayaang ang hibla nito ay tumakip sa
namumong ulap sa aking mga mata.

Ang hindi mo alam. ako din ay nangarap.
ng gabing yun. bumalik ako sa dagat.
sa bilog na buwan nagtampisaw sa tubig alat.
inipon sa aking palad ang lamig. isinilid ito sa ating mga panaginip
at nangakong balang araw ikaw at ako ay muling magbabalik
sa hapong puno ng himig. kasama ang mga alitaptap
habang sa saliw nag aking gitara ikaw ay umaawit..

Limipas ang panahon, ang himig na ating inawit
tila nasasabik ang mga bituin sa langit pagkat ikaw ay higit na naging mas marikit
sikat ka na. at abot kamay na ang langit
habang akoy nandito pa sa lupang tigang sa init,
kasama ang lumang gitara, dating pangarap at mga lumang awit







ANg hindi ko alam.ikaw ay nagbalik.
ako ay hinanap sa lahat ng lumang kamalig.
oo ako ay lumayo sayo at kusang nagtago
pagkat pakiramdam ko. hindi na sayo nababagay ang aking mundo
ang iyong kutis na porselana sa aking magaspang na mga damit
ang iyong awit sa saliw ng aking lumang gitarang tunog ay punit


Habang ikaw ay palayo. at sa isang sulok ako ay nag kubli
habang ang alon ng dagat ay napakabini at ang araw ay nagiging gintong muli
naiisip ko ang aking pagkakamali at sana hindi pa huli
kung hahabulin kita,yayakapin. at mahahalikan pa kayang muli?

pero malayo ka na,..


hanggang isang araw.
nakita kita,sa kabila ng kislap ikaw ay nag wika na may luha at hapis
sa harap ng marami. ikaw ay umawit.

ang ating lumang awit.
dumaloy kasama ang aking luha sa gitarang kapit ng mahigpit
at pagkatapos ng awit.ang sabi mo ikaw ay babalik
sa lugar ng alitaptap kung saan ikaw minsan ay sumandal sa aking bisig
habang tinutugtog ko ang ating lumang awit.
ikaw ay bumulong....
mahal kita...saan kaman.. babalik ako. at hahanaping pilit.


Read Alitaptap at Gitara Version 1.0 here 
Share
 
 

Popular posts from this blog

MGA PANG ASAR at PAM BASAG SA TRIP COLLECTIONS

SIKRETO KUNG PAANO KUMITA sa NETWORKING NG WALANG INVITE INVITE! FINNALY REVEALED!!