Pinagmamasdan na lamang sa bintana Ang unti-unting pagdaloy ng ulan ♫ ♫

Noong panahong siya ay hari  Masigla ang kanyang pagbati Mahigpit ang hawak ng mga  daliri At ang lakad nama'y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati Makisig kung siya ay magdamit Malalim ang kanyang pag-iisip At lahat ay sa kanya nakatitig

Ngunit ngayong siya'y pagod na Mahina na rin ang katawan Pinagmamasdan na lamang sa bintana Ang unti-unting pagdaloy ng ulan

At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa Sa paglipas ng siyam napung taon
Nang siya'y malakas at bata pa
Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na

Sa piling ng mga alaala Lagi na lamang nag-iisa Kahit sulyap, walang maaasahan
Sa anak na 'di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro'n pa siyang magigisnan Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon siya'y matanda at laos na

Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose  ♫ ♪
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na

Sa dilim ng kanyang pag-aasam Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga Nang hindi malimot niyang nakaraan

At ang diwa ng kahapon 'Di na matagpuan At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso 'Di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang Pawiin ang dusa

Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose ♪ ♫
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na

Share

Popular posts from this blog

MGA PANG ASAR at PAM BASAG SA TRIP COLLECTIONS

SIKRETO KUNG PAANO KUMITA sa NETWORKING NG WALANG INVITE INVITE! FINNALY REVEALED!!