Mga bagay sa kalangitan na ipinakilala at itinuturo sa akin ng mga magulang ko bukod sa lumilipad na ibon, ang araw, buwan at mga bituin.
May 17 am-pm sked
Noong bata pa ako..
Madalas akong sumisilip sa bintana o tumatakbo papalabas kapag nadidinig kong may dumaraang eroplano.
Tuwang tuwang kumakaway pa nga ako o sumisigaw ng "Ba byeeeee... Ba byeeeee..."
Share

hahh!
Naa-alala ko na iyon ang isa sa mga bagay sa kalangitan na ipinakilala at itinuturo sa akin ng mga magulang ko bukod sa lumilipad na ibon, ang araw, buwan at mga bituin.
Nang magsimula na akong magkaisip ay madalas akong napapatingin sa mga dumaraang eroplano.
Aaminin ko...
Nangangarap akong balang araw ay makakasakay ako doon, makakarating sa ibang bansa at makakapagtrabaho.
At sa awa naman ng Diyos...
Matagal ng natupad ang lahat ng iyon.
Pero...
madalas pa rin akong tumitingala kapag may dumadaang eroplano.
Yun nga lang ay hindi na tuwa ang aking nadarama kundi lungkot at masidhing pangarap na makasakay muli.
Dahil kapag nakikita ko ang eroplano ay nasasabik akong makauwi sa sarili kong Bansa...
At makita ang aking Pamilya.
Kung Ba Bye ang sigaw ko noon...
Wag mo kong iwan ang bulong ko ngayon.