Pareho kami ng mga paborito gaya ng siopao, lechon manok, hamburger at ginisang monggo

 May 8 am-pm sked
 
Maayos niyang itinupi ang aking uniporme at inilagay sa aking mumunting sisidlan. Noong araw na iyon ay maaga ang aking pasok sa restawrang aking pinapasukan bilang waiter. Kung kinailangan kong magising ng maaga, mas minabuti niyang mas agahan ang pagbangon upang ihanda ang aking almusal, gamit pampaligo at pati mga isusuot. 

Hindi niya pangkaraniwang ginagawa ang mga bagay na iyon kung kaya't ako ay nakadama ng munting pagkagulat. 

Bago ako tuluyang mamaalam, tinungo ko siya sa kanyang kinauupuan habang nagbabasa ng dyaryo upang iabot ang dalawangdaang pisong bahagi ng aking unang sweldo. Sa una'y pagtataka ngunit agad itong nasundan ng pabulong na pasasalamat mula sa kanya. Agad kong napansin ang mga nangilid na luha sa kanyang mga mata ngunit pinilit kong daglian na lamang lumayo't nilisan ang aming bahay upang pumasok sa trabaho. Inisip kong hindi maganda ang mala-teleseryeng eksena bilang pambungad sa araw.

"Mag-ingat ka..." kanyang habilin habang binabaybay ko ang maputik na labas ng aming bakuran bunga ng katitila pa lamang na malakas na ulan. 

WAKAS

Tunay na maikli, payak at walang special ingredients ang inilahad na kwento ngunit isa sa pinaka-memorable moments ko sa aking inay

Habang nagtitimpla ng kape kaninang umaga, na-miss ko siya. Hanggang ngayon habang sinusulat ko 'to, actually. Magkalayo na kasi kami ng tirahan ngayon at medyo matagal na rin nang huli ko siyang bisitahin. Busy kasi sa work.

Pareho kaming mahilig sa kape. Siya black coffee at ako naman with sugar and cream. Kung magkasama kami ngayon, panigurado mag-aagawan kaming dalawa ng dyaryo habang humihigop ng tig-isang tasa ng kape. Mahilig din kasi siya sa mga balita lalo na 'pag tungkol sa pulitika. Ang sarap nga makipagbalitaktakan sa kanya kahit lagi namang salungat ang aming mga political views. Hiindi ko alam kung sadyang laging kontra ang aming mga pananaw sa pulitika o baka gusto lang niyang makipaghamunan sa talas ng isip.

Maliban pa  rito, marami pa kaming pinagkakasunduang mga hilig. Kung may score board nga lang sa pagitan namin ng kapatid ko, mas mananalo ako kung larangan ng similarities kay mama.

Sa pagkain, pareho kami ng mga paborito gaya ng siopao, lechon manok, hamburger at ginisang monggo. Pareho rin naming gusto ang pagpapalamig ng kanin bago kumain at dapat ice cold ang water.

Sa sense of humor, pareho kaming bangkera at magkasinlakas ang boses namin. Lagi kaming napagkakamalang magkaaway o may kaaway kahit na normal o simpleng kwentuhan lang.

Hindi gaya ng kapatid ko, pareho kami ni mommy  na malihim pagdating sa prolema. Mas gusto naming sinasarili lang para hindi na mabigatan ang iba. 

People person din kaming dalawa. 'Pag nagsisimba tuwing Linggo, paramihan kami ng masasalubong na kakilala at kabatian. Walang manalo sa'min!

Sa mga palabas sa telebisyon, swak na swak ang pagkahumaling namin pareho sa documentaries o any tv program na related sa news and current affairs.

Sa kanya ko rin namana ang talas ng memorya. Pareho kaming mahilig magbasa ng libro.

Namana ko rin sa kanya ang madalas na pangangati ng paa o pagiging lakwatsera. Pati allergy sa nuts, hindi nakawala at naipasa rin niya sa'kin. Height, shoe size, mannerism at pagsasalita, it's a tie kami. Sa kanya rin galing ang Arlynda na second name ko kasi Arlyn  pangalan niya.

Nakakatuwa at sobrang marami kaming pagkakapareho.
Kaya nga madalas sabihin ng mga kamag-anak at mga kapitbahay namin sa tuwing nakikita nila 'ko, I always remind them of my mother daw. 

Nakaka-flatter... Nakaka-proud kasi childhood dream ko na maging tulad niya...

Sayang lang kasi wala na siya...

Ngayon ang kanyang 4th Death Anniversary. 

Sana pwede ang Long Distance Call to heaven...

I love you, Nay! Miss you! and Happy Mothers Day!
Share

Popular posts from this blog

Mga Uri NG LALAKI

Mga Pang ASar na Reaksyon sa Facebook PART 2